Tropang Giga hinugot si Khobuntin

Hinugot ng Talk ’N Text si Glenn Khobuntin mula sa free agency para makatulong sa frontline ng Tropang Giga.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang galawan sa PBA kaya’t asahan ang mas matinding bakbakan sa pagbubukas ng Season 46 sa Abril sa isang bubble setup.

Hinugot ng Talk ’N Text si Glenn Khobuntin mula sa free agency para makatulong sa frontline ng Tropang Giga.

Nakapagtala si Khobuntin ng averages na 7.8 points at 2.4 rebounds sa huling season nito sa Terrafirma noong PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark bubble.

Makakatuwang ni Khobuntin sa Tropang Giga si Troy Rosario na katropa nito sa National University gayundin sina Poy Erram, Jay Washington, David Semerad at Lervin Flores.

Magkasama sina Khobuntin at Rosario nang tulungan nila ang Bulldogs na makopo ang kam­peonato sa UAAP Season 77.

Sa kabilang banda, nagpasya ang pamunuan ng Rain or Shine na hindi na irenew ang kontrata nina Ryan Araña at Kris Rosales.

Wala pang linaw kung magreretiro na o magtutuloy pa sa paglalaro si Araña.

Ilan pa sa mga galawan ang pagkuha ng Barangay Ginebra kay MJ Ayaay.

Pakay ni Gin Kings men­tor  Tim Cone na ipares ito kay Scottie Thompson na may averages na 11.0 points, 8.8 rebounds at 5.8 assists sa Clark bubble. 

Show comments