Power Hitters nagpalakas pa!

Rhea Dimaculangan
STAR/File

MANILA, Philippines — Desidido ang PLDT Home Fibr na makapagbi­gay ng magandang laban sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na target buksan sa Abril.

Hinugot ng Power Hitters si veteran playma­ker Rhea Dimaculangan upang mas lalong palakasin ang lineup nito para sa season opening confe­rence ng kauna-unahang professional volleyball league sa bansa.

Malaking tulong si Dimaculangan para sa PLDT dahil malalim ang karanasan nito na may Most Valuable Player at Best Setter awards sa iba’t ibang torneo.

Tatlong beses nakuha ni Dimaculangan ang Best Setter award sa Philippine Superliga habang itinanghal itong 2018 PSL All-Filipino Conference MVP.

Kaya naman excited na si Power Hitters head coach Roger Gorayeb na muling makasama ang mahusay na setter para manduhan ang bagong mukha ng PLDT squad.

Show comments