^

PSN Palaro

2021 Palarong Pambansa balak gawin via virtual

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
2021 Palarong Pambansa balak gawin via virtual
Kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast edition ay sinabi ni DepEd Palarong Pambansa Director Joel Erestain na hindi lahat ng 20 sports events ay maa­aring maidaos.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa coronavirus di­sease (COVID-19) pandemic ay plano ng Department of Education (DepEd) na gawin ang taunang Pa­larong Pambansa via virtual.

Kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast edition ay sinabi ni DepEd Palarong Pambansa Director Joel Erestain na hindi lahat ng 20 sports events ay maa­aring maidaos.

“We’re planning to hold virtual Palarong Pambansa,” ani Erestain. “Kaso nga lang hindi na siya iyong full spectrum of the sporting events ng Palaro.”

Mula nang ilunsad noong 1948 ay ilang beses nakansela ang nasabing annual sporting event para sa mga elementary at high school student-athletes dahil sa iba’t ibang dahilan.

Ang 2020 edition na hahawakan sana ng Marikina City ay nakansela dahil sa COVID-19 pandemic.

“Nakikita namin ang si­tuation ng Palarong Pambansa this year there is a very big possibility that it might continue until next year kasi it will all depend on how the vaccines are rolled out nationwide, especially on students,” ani Erestain.

Kinansela ang Pala­rong Pambansa noong 1957 dahil sa pagkamatay ni Pangulong Ramon Magsaysay  habang noong 1972 ay idineklara naman ang Martial Law.

Hindi rin naidaos ang sports meet noong 1984 hanggang 1987 matapos patayin si Sen. Benigno Aquino Jr. na nagresulta sa EDSA Revolution.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
6 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with