Thompson inspirasyon Si Norwood

Scottie Thompson

Sa Sportsmanship award

MANILA, Philippines — Humakot ang Barangay Ginebra ng parangal sa katatapos na PBA Awards Night noong Linggo na matagumpay na idinaos via online streaming.

At isa sa mga nakatanggap ng pagkilala si Scottie Thompson na ginawaran ng Samboy Lim Sportsmaship Award.

Nakalikom si Thompson ng 2,360 puntos kung saan naungusan nito si CJ Perez ng Terrafirma na nagtala ng 2,069 puntos.

Masaya si Thompson sa award at itinuring nitong inspirasyon si Gabe Norwood na nagmamay-ari ng naturang parangal sa loob ng tatlong sunod na taon — mula 2017 hanggang 2019.

“Just following the footsteps ni kuya Gabe (Norwood) for playing the game the right way. Sobrang happy and truly blessed all the time that were playing the game the right way,” ani Thompson.

Ibinahagi ni Thompson ang kanyang award sa iba pang kandidato gaya nina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters.

“Lahat naman kaming naging nominee sobrang deserving. I think for me hindi madali itong Sportsmanship Award para makuha ko ito,” ani Thompson.

Mapapasama ang Sportsmanship Award sa listahan ng kanyang mga tropeo sa kanyang professional basketball career.

Show comments