MANILA, Philippines — Apat na key players ng Sta. Lucia Lady Realtors ang tuluyan nang namaalam sa koponan matapos hindi irenew ang kanilang kontrata.
Kabilang dito si outside hitter Honey Royse Tubino na isa sa maaasahang wing spikers ng Lady Realtors.
Wala na rin sina Aie Gannaban, Regine Arocha at Marist Layug.
“Your time as Lady Realtors was short but memorable to the Sta. Lucia family for sure. We wish you the best in whatever is next. May you find greener pastures that will lead you to more golden moments,” ayon sa statement ng Sta. Lucia.
Bilang kapalit, kinuha ng Sta. Lucia sina Jonah Sabete, Jovy Prado, at Maricar Nepomuceno-Baloaloa na dating mga miyembro ng PetroGazz Angels sa Premier Volleyball League.