Sotto, Ignite kasado na sa NBA G League
MANILA, Philippines — Handa na si Kai Sotto at ang buong Ignite squad sa pagsalang sa NBA G League sa susunod na buwan sa isang bubble setup sa ESPN Wide World of Sports Complex t Walt Disney World Resort sa Orlando.
Nakatakda ang opening ng NBA G League sa Pebrero 21 kung saan makikipagsabayan ang Ignite sa matitikas na tropa sa liga.
“We’re excited to be a part of the G-League schedule at Disney,” ani Ignite head coach Brian Shaw.
Sumailalim sa matinding training camp ang Ignite kasama ang ibat ibang mahuhusay na coaches.
May 18 koponan ang papasok sa NBA G League bubble.
Maiksi lamang ang season na ito. Isang single round robin ang magiging format kung saan tanging ang walong mangungunang tropa lamang ang aabante sa playoffs.
Makakasama ni Sotto sa kampanya sina top NBA prospects Filipino-American Jalen Green, Jonathan Kuminga, Isaiah Todd, Daishen Nix at Princepal Singh.
Nasa lineup din ng Ignite sina veteran players Amir Johnson, Reggie Hearn, Brandon Ashley, Cody Demps at Bobby Brown para suportahan at gabayan ang mga bagitong players ng tropa.
- Latest