Atletang papasok sa bubble sumailalim sa virtual orientation
MANILA, Philippines — Magiging mahigpit ang Medical Scientific Athletes Services (MSAS) Unit sa pag-obserba ng 46 national athletes at coaches sa loob ng ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Nagdaos kahapon ang Philippine Sports Commission (PSC) ng isang virtual orientation para sa mga national boxers, taekwondo jins at karatekas na papasok sa ‘bubble’ training.
“Athletes will undergo a series of RT-PCR testing. Prior to entry, upon entry, and several testings during the bubble training,” sabi ni MSAS Unit Head Dr. Randy Molo.
Noong Disyembre 15 lamang binigyan ng ‘green light’ ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik-ensayo ng mga national athletes sa loob ng isang ‘bubble’ matapos matengga dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“We called for this meeting to emphasize the safety protocols you will be needing for this Olympic training bubble,” ani PSC Commissioner Ramon Fernandez.
Ang nasabing mga atleta ay naghahanda para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo at sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.
- Latest