^

PSN Palaro

Kung sinu-sino na lang!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kung sinu-sino na lang!
Manny Pacquiao

Ryan Garcia gusto ring labanan si Pacquiao

MANILA, Philippines — Sumama na rin si interim World Boxing Council (WBC) lightweight champion Ryan Garcia sa mahabang listahan na gustong labanan si eight-division world champion Manny Pacquiao.

Sariwa pa si Garcia sa matamis na seventh-round knockout win kay Luke Campbell ng Great Britain noong Enero 2 (Enero 3 sa Maynila) sa American Airlines Center sa Dallas Texas.

Nakuha nito ang bakanteng interim WBC belt.

Kaya naman malakas ang loob nitong hamunin si Pacquiao na itinuturing nitong idolo sa mundo ng boksing.

Nais ni Garcia na ma­ging bahagi ng maning­ning na boxing career ng Pinoy champion bago ito magretiro.

Alam ni Garcia ang kalidad ng isang Manny Pacquiao kaya’t malaking karangalan kung mapagbibigyan itong makalaban ang isang legendary boxer sa ibabaw ng ring.

“My dream is, I beat Tank Davis and then I end up getting a chance to fight Manny Pacquiao before he gets to go because he’s one of my idols,” ani Garcia sa panayam ng Now Boxing.

Nasa lightweight division si Garcia habang nasa bantamweight class naman si Pacquiao.

Ngunit handa itong lumundag ng weight class upang maisakatuparan lamang ang kanyang pa­ngarap na makalaban ang world class Pinoy boxer.

Subalit daraan sa butas ng karayom si Garcia bago makuha ang inaasam nitong laban dahil mahaba ang pila ng mga nais maka­sagupa si Pacquiao.

Nasa unahan ng listahan si Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor na inaasahang makakalaban ni Pacquiao sa unang bahagi ng taon sa Middle East.

Nakalinya pa sina Te­­rence Crawford, Errol Spence Jr., Danny Garcia at Mikey Garcia.

RYAN GARCIA

WORLD BOXING COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with