^

PSN Palaro

Sports apektado ng COVID-19 pandemic

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sports apektado ng COVID-19 pandemic
Carlos Edriel Yulo
Photo courtesy of Janet Tenorio

MANILA, Philippines — Halos tumigil ang mundo dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

At hindi nakaligtas ang mundo ng sports matapos makansela ang ilang malalaking commercial leagues at mga international competitions sa iba’t ibang mundo.

Nangunguna na sa listahan ang Olympic Games na idaraos sana noong Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus, nagpasya ang Tokyo Olympics Organizing Committee, ang pamahalaan ng Japan at ang International Olympic Committee (IOC) na kanselahin muna ito.

Matapos ang ilang pagpupulong, napagkasunduan na ilipat ang Tokyo Olympics sa 2021 mula Hulyo 23 hanggang Agosto 8 ngunit mananatili ang logo nitong “Tokyo 2020.”

Tinamaan din ang NBA season na walang magawa kundi ang itigil ang torneo dahil umabot sa milyon ang nagkasakit sa Amerika.

Kaliwa’t kanan din ang kanselasyon ng mga international events kabilang na ang plano sanang laban ni eight-division world cham­pion Manny Pacquiao noong Hulyo gayundin ang ilang Olympic qualifying events, world championships at ilang professional boxing events.

Sa Pilipinas, nahinto ang PBA Season 45 Philippine Cup habang tuluyan namang kinansela ang mga nalalabing events sa UAAP Season 82 at NCAA Season 95.

Hindi rin natapos ang Philippine Superliga (PSL) Grand Prix habang hindi naman nakapagsimula ang Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence na bubuksan sana noong Mayo.

Natengga ng husto ang mga miyembro ng national team gayundin ang mga collegiate at amateur teams dahil nang maging maluwag ang community quarantine, tanging ang mga professional leagues lamang ang pinahintulutang makabalik sa ensayo at maipagpatuloy ang liga.

Matagumpay na natapos ng PBA ang Season 45 Philippine Cup sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga gayundin ang Philippines Football League (PFL).

Inaabangan na ang Tokyo Olympics kung saan ito ang pinakamalakas na tsansa ng Pilipinas na makasungkit ng gintong medalya.

Nariyan sina Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, Ernest John Obiena ng athletics, Eumir Felix Marcial at Irish Magno ng boxing, at Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting.

Umaasa ang lahat na magtutuluy-tuloy na ang pagbabalik-aksyon ng sports hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo.

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with