Ignite coach hanga kay Sotto

MANILA, Philippines — Humanga si veteran mentor Brian Shaw sa malaking improvement ni Kai Sotto matapos ang unang full game scrimmage ng Ignite kahapon sa Ultimate Fieldhouse sa Walnut Creek, California.

Natalo ang Ignite laban sa G League Veterans sa iskor na 107-113 ngunit magandang pagkakataon ito para kay Shaw upang malaman ang iba pang kahinaan ng kanyang tropa.

Nagtala lamang si Sotto ng limang puntos, limang rebounds at dalawang blocks sa naturang laro.

Masaya si Shaw sa malaking pagbabago sa laro ni Sotto.

At nais nitong magkaroon pa ng pagkakataon ang 7-foot-2 Pinoy cager na makatulong sa offensive side ng team.

“Kai has been good. He’s getting stronger, buil­ding stamina. He’s learning to use his length. I have to find a way to get him more involved offensively,” ani Shaw.

Nakakasama ni Sotto sa ensayo ng Ignite si Je­remy Lin na bahagi ng koponan sa naturang scrimmage.

Subalit nilinaw ng NBA G League na hindi bahagi si Lin ng Ignite team na sasabak sa torneo.

Nanguna para sa Ignite sina Jonathan Kuminga at Jalen Green na parehong may double-digit output.

Kumana si Kuminga ng 26 points kasama pa ang walong rebounds habang nagdagdag naman si Green ng 22 markers at pitong boards.

Show comments