MANILA, Philippines — Muling pakakawalan sa ika-pitong pagkakataon ang PASAY ‘The Travel City’ Racing Festival sa Disyembre 20 sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.
May apat na major races ang nasabing horseracing festival na kinabibilangan ng 7th PASAY ‘The Travel City’ Cup na tinatakbuhan ng mga imported at local entries.
Naghari sa nakaraang PASAY ‘The Travel City’ Cup ang Summer Romance na pag-aari ni Atty. Narciso Morales.
Ang tatlo pa ay ang 7th PASAY City Representative Tony Calixto Cup, 7th PASAY City Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup at 6th PASAY City Former OIC Mayor Eduardo ‘Duay’ Calixto Memorial Cup.
Itatampok din sa nasabing racing festival, bahagi ng founding anniversary ng Pasay City, ang 11 iba pang Trophy Races na may nakalatag na mahigit sa P2 milyong premyo.
Ang La Peregrina ang nagkampeon sa unang PASAY ‘The Travel City’ Cup noong 2014 kasunod ang Silver Sword (2015), Sakima (2016), Atomicseventynine (2017), Tin Drum (2017) at Summer Romance (2018).
Katuwang ng Pasay City at Metro Manila Turf Club sa pagtaguyod ng 7th PASAY ‘The Travel City’ Racing Festival ang SM Development Corporation, Resorts World Manila, Pagcor, Double Dragon, Century Peak, at Boysen.
Tinitiyak ng host Metro Manila Turf Club na maipapatupad nila ang kaukulang “health protocols” na alinsunod sa patakaran ng gobyerno.