^

PSN Palaro

Agra umaasang mapapasama ang obstacle racing sa 2024 Paris Olympics

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi man maisama sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa susunod na taon ay umaasa ang Pilipinas Obs­tacle Sports Federation (POSF) na maibibilang sila sa 2024 Olympic Games sa Paris.

“Hopefully, kapag mapasok man kami sa Olympics, kung hindi man sa 2024, sa 2028, God-wil­ling,” ani (POSF) president Atty. Al Agra sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast edition.

“We’re preparing for that. We have a ten-year program, we have a 15-year program kaya mahalaga ang developmental pool, mahalaga ang kabataan,” dagdag nito.

Inaprubahan sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan ang pagkakasama sa calendar of events ng skateboarding, sport clim­bing at surfing  habang ang breakdancing ay lalaruin sa 2024 edition sa Paris.

Sa 30th SEA Games noong Disyembre ay winalis ng mga Pinoy obstacle racers ang nakalatag na anim na gold medals bukod pa sa tatlong silver at isang bronze.

Subalit hindi kasama ang obstacle racing sa 2021 Vietnam SEA Games.

“We’re lobbying pero kung hindi masama kasi it’s beyond us, life will go on, life will be brighter, there are a lot of events,” sabi ni Agra. “Hopefully, 2023 masama kami. We are lobbying as well for the Asian Games in 2022.”

Nakatakdang lumahok ang mga atleta ng POSF sa Asian Invitationals sa May na pamamahalaan ng bansa at sa World Championships sa Russia sa Setyembre.

POSF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with