MANILA, Philippines — Simula sa susunod na taon ay maghihigpit na ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagbibigay ng financial assistance sa mga National Sports Associations (NSAs).
Noong nakaraang taon ay kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang inilabas na P170 milyon ng PSC sa 48 NSAs kahit ilan sa mga ito ay hindi nakapagsumite ng liquidation report.
“I am informing the NSA who compose the POC (Philippine Olympic Committee) that we are required by law not to give financial assistance to them and other institutions without first liquidating them,” wika ni Ramirez sa panayam ng Radyo Pilipinas 2.
Umaasa si Ramirez na bago matapos ang 2020 ay maisusumite na ng mga NSAs ang kanilang liquidation report.
“Lagi namin sinasabi iyan noon pero hindi naman nagagawa dahil may Olympics, may Asian Games, Southeast Asian Games. Pero ngayon we our against the wall. We have government accounting rules and procedures plus COA,” ani Ramirez.
Samantala, naniniwala ang PSC chief na mabibigyan sila ng ‘green light’ ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa plano nilang ‘bubble’ training ng mga national athletes sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna sa Enero.