Taong 2018 pa lang ay nagkaroon na ng strategic planning session ang PSL board members at mga team owners ukol sa pagpaplanong mag-pro. “Eventually mawawala rin ang college players sa line-up ng teams, because alam naman natin that at this point we cannot be compared to PBA where talents and players are overflowing,” bahagi ng PSL President na si Dr. Ian Laurel. Sa ngayon, kukulangin ang mga manlalaro kung matatanggal ang student athletes na naglalaro sa PSL. Kapag nag-turn into pro ang liga, maraming mag-a-adjust. Malaki ang pagbabago na kakaharapin.
Ang tanong dito, handa na ba?
Sa ngayon hindi pa talaga handa ang PSL dahil gusto muna nito magpokus sa pagpaplano na muling makabalik sa laro sa susunod na taon ang mga player. Hindi pa ito napapanahon para sa ganyang bagay dahil na rin sa pandemya. Bagama’t nire-require na ng Games and Amusement Board (GAB) ang PSL at PVL na mag-pro, ang PSL ay maninindigan na hindi muna sa ngayon.
“The only time that I think puwede na tayo mag purely graduated players at mag-pro, if the two leagues merged.”, bahagi ng PSL President na si Dr. Laurel. Kung sakaling marami ng manlalaro sa kolehiyo ang naka-graduate at magkaroon na rin ng sapat na manlalaro ang volleyball in general, maaari na sigurong simulang mag-pro ang liga. Hindi lang kasi college players ang mawawala, kailangan din tingnan ang ilan sa mga manlalaro na nagreretiro na. Isa rin ito sa mga kabawasan.
Maganda talaga ang ideya na mag-isa na lang ng liga sa volleyball nang sa ganoon ay mas mapapadali ang buhay ng lahat dahil mapapabilis na ang proseso ng pagpo-pro. Sa paraang ito, hindi na kailangan pa humiram ng mga manlalaro sa kolehiyo dahil kapag nag-isa ang PSL at PVL, lahat ng graduated players sa mga liga na ito ay ready na mag-pro.
Ang pagkakabukod ng dalawang liga ay isang ma-laking hamon at balakid na makapagpro ang volleyball gaya ng PBA. Sana naman dumating ang panahon kung saan mapag-iisa na ang dalawa. Malaking bagay ito para sa mga manlalaro sa kabuuan.