^

PSN Palaro

Bisikleta para sa mga balibolista

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Maraming mamamayang Filipino ang halos huminto ang mundo dahil sa pandemya. Hindi nakaligtas ang mga atleta at coaches sa larangan ng pampalakasan dahil sa delubyong ito.

Ang court na puno ng mga naglalaro at hindi humihintong ingay mula sa sigaw at kaliwa’t kanang mga pito ay napalitan na ngayon ng nakabibinging katahimikan. Ang mga manlalarong hindi magkanda-ugaga sa iskedyul ng mga ensayo at mga laro, ngayon ay nakatulala na lang pagkatapos mairaos ang online training.

Sa kabila ng hirap na hindi makalabas para muling makapaglaro, nakahanap ng ibang alternatibong workout ang mga manlalaro at coaches  ng balibol. Sapagkat nitong nakaraang Huwebes lang ng Nobyembre 11, 2020 ay idinaos ang turnover ng mga bisikleta para sa mga balibolista. Namigay ng 96 na bisikleta si Congressman Alan Peter Cayetano para sa mga manlalaro ng balibol at coaches upang maging moda ng trasportasyon at maging alternatibo na ring ehersisyo habang hindi pa muling nakakabalik sa normal na ensayo. Napakabuti  ng puso ni Cong. Cayetano na mag-initiate at i-extend ang tulong sa volleyballl community. Noong unang nakausap ko siya ukol dito, ibinahagi ko lang na ilan sa aking mga kasamahan sa volleyball kasama na ako ay nag-invest na makabili ng bike. May ilan sa amin na talagang nalulungkot at depress na sa sitwasyong dulot ng pandemya. Hindi ko maikakaila, isa ako doon. Kaya naman walang pagdadalawang isip, agad na nakipag-coordinate sa akin si Cong. Cayetano upang lumikha ng listahan ng mga atletang nais niyang bahagian ng bisikleta. Nilikom ko ang mga pangalan ng iba’t ibang atleta sa iba’t ibang team na wala pang bike.

Sa puntong ito namangha ako sa kanya dahil sa kabila ng maraming problemang politikal at mga suliranin na tumatakbo sa isip niya bilang isa sa mga katawan ng gobyerno, nagawan pa niya ng oras na tumulong sa amin. Sa katunayan hindi lang sa balibol siya nagbabahagi ng tulong. Maraming isports pa siyang tinutulungan at isa na rito ay tennis. May puso talaga si Cong. Cayetano sa pagtulong sa kapwa at masuwerte kami na isa kami sa mga naambunan.

Sa palagay ko, hindi ito ang huli. Magpapatuloy ang suporta niya sa mga atletang Filipino. Anumang oras na kailanganin akong muli ni Cong. Cayetano upang mag- organisa muli ng ganitong klase ng proyekto ay parati akong handang tumulong. Sa katunayan, nasasabik na akong simulan ang pamimigay ng bisikleta sa susunod na batch ng ibang isports.

CYCLIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with