^

PSN Palaro

Romeo na sa Philippine Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Romeo na sa Philippine Cup
Terrence Romeo
STAR/ File

Beermen nalagasan na naman!

MANILA, Philippines  — Bukod kay six-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ay hindi na rin makukuha ng nagdedepensang San Miguel ang serbisyo ni guard Terrence Romeo sa kanilang kampanya sa 2020 Philippine Cup sa Clark  bubble.

Ito ay matapos magkaroon si Romeo ng dislocated right shoulder sa kanilang banggaan ni Ryan Reyes ng TNT Tropang Giga sa second period sa 88-107 kabiguan ng Beermen noong Biyernes.

Anim hanggang walong linggo ang ipapahinga ni Romeo para sa pagrekober sa nasabing shoulder injury, ayon kay San Miguel coach Leo Austria.

Hindi nakasama ng Beermen sa PBA ‘bubble’ ang 6-foot-10 na si Fajardo dahil sa kanyang leg injury.

Ang shoulder injury ni Romeo ang lalo pang nagpahirap sa sitwasyon ng San Miguel na hangad ang kanilang pang-anim na sunod na korona sa All-Filipino tournament.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with