^

PSN Palaro

Victory parade ng Lakers apektado ng COVID-19

Pilipino Star Ngayon
Victory parade ng Lakers apektado ng COVID-19
Sinabi kahapon ng Lakers management na hindi sila magsasagawa ng anumang klase ng public celebration bilang pag-iwas sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Garrett Ellwood/NBAE/AFP

LOS ANGELES  —  Kumpara sa mga tradisyunal na ginagawa, kailangan munang maghintay ang mga fans ng Lakers para sa isang victory parade matapos angkinin ng koponan ang kanilang ika-17 NBA championship.

Sinabi kahapon ng Lakers management na hindi sila magsasagawa ng anumang klase ng public celebration bilang pag-iwas sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

“We cannot wait to ce­lebrate our NBA title with our fans,” pahayag ng La­kers management. “After consulting with the City and the County, we all agree that a joyful and inclusive public celebration will take place as soon as it is safe to do so. In the meantime, thank you again, Lakers Nation, for your support!”

Inangkin ng Lakers ang korona matapos talunin ang Miami Heat sa Game 6 ng 2020 NBA Finals sa Lake Buena Vista, Florida na tumapos sa kanilang 95-day stay sa loob ng bubble.

Ito ang unang NBA crown ng Lakers matapos noong 2010 kung saan nagbida ang namayapang si Kobe Bryant.

Nagbalik ang koponan sa Los Angeles kahapon para ipagdiwang ang kanilang tagumpay.

Halos 1,000 tao ang nagtungo sa downtown para magdiwang habang ang ilan ay dumiretso sa Staples Center na home court ng Lakers.

Humalo sa pagdiriwang ng mga fans ang ilang “unruly individuals’’ na naghagis ng mga baso, bote, bato at iba pang bagay sa mga officers at 30 buildings at businesses naman ang napinsala.

Inaresto ng mga pulis ang 76 katao na sangkot sa nasabing panggugulo.

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with