MANILA, Philippines — Sisimulan ni four-division world champion Donnie Nietes ang bagong yugto ng kanyang boxing career kasama ang MTK Global at D4G Promotions.
Masaya si Nietes sa pagpasok nito sa MTK Global at D4G na magsisilbing kaakibat nito sa kanyang mga susunod na laban matapos magsara ang kanyang dating tahanan na ALA Boxing Promotions.
“I am very happy with this new step in my career. It means so much to me. Being a part of this team is brilliant and I am very grateful. I’m happy with what I’ve achieved so far,” ani Nietes.
Target nitong magbalik-aksyon sa Disyembre o Enero.
Ilang pangalan na ang puntiryang makalaban ni Nietes kabilang na sina Juan Francisco Estrada, Srisaket Sor Rungvisai at Chocolatito Gonzalez.
“The journey has been wonderful and I will forever cherish how I worked hard in building my successful career. I’m not done yet and I am now hoping to get a fight with Estrada, Rungvisai and Chocolatito,” ani Nietes.
Matagal-tagal ding napahinga si Nietes.
Huli itong nasilayan sa aksyon noong Disyembre 2018 nang talunin si Japanese fighter Kazuto Ioka via split decision sa Macau.
Mataas ang respeto ni MTK Global Chief Strategy Officer Paul Gibson kay Nietes na itinuturing na isa sa pinakamahusay na boksingero sa kanyang henerasyon.
At umaasa ito na mas lalo pang magniningning ang kanyang pangalan sa ilalim ng paggabay ng MTK Global at D4G na magkatuwang na tutulong sa kanya.