Philracom Triple Crown pakakawalan bukas

MANILA, Philippines — Pakakawalan bukas ang first leg ng Philracom Triple Crown Series, ang pinaka-prestihiyosong karera sa mga kabayong 3-taong gulang, sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Mag-uunahan para sa tropeo ang mga kabayong Cartierruo (owner Melanie Habla, jockey KB Abobo), Four Strong Wind (Alfredo Santos, OP Cortez), He­neral Kalentong (Benjamin Abalos Sr., JB Guce), Runway (Joseph Dyhengco, MM Gonzales) at Tifosi (SC Stockfarm, JA Guce).

Premyong P3 milyon ang nakataya sa karera na tatakbuhin sa distansiyang 1,600 meters kung saan P1.8 milyon ang mapupunta sa kampeon at P675,000 naman sa runner-up.

Ang pangatlo at pang-apat ay tatanggap ng P375,000 at P150,000, ayon sa pagkakasunod.

Dalawang beses nagwagi ang Real Gold noong nakaraang taon matapos angkinin ang first at second legs ng serye habang ang Boss Emong ang nanalo sa third leg.

Inilunsad ang Philippine edisyon ng Triple Crown noong 1978 na pinagwagian ng Native Gift sa u­nang dalawang yugto bago maharang ng Majo­rity Rule ang balak nitong sweep.

Mula noon ay mayroon lamang 11 Triple Crown champions na kinabibila­ngan ng Fair and Square (1981), Skywalker (1983), Time Master (1987), Ma­gic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996), Real Top (1998), Silver Story (2001), Hagdang Bato (2012), Kid Molave (2014) at Sepfourteen (2017).

Show comments