^

PSN Palaro

Ukrainian coach susi sa tagumpay ni Obiena

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ukrainian coach susi sa tagumpay ni Obiena
Ernest John Obiena
AFP

MANILA, Philippines — Hindi maikakailang ma­laki ang naging kontribus­yon ni Ukrainian coach Vitaly Petrov sa matagumpay na kampanya ni Tokyo Olympics-bound Ernest John Obiena sa mga sinalihang torneo.

Sa anim niyang podium finishes sa walong nilahukang kompetisyon ay humakot ang 6-foot-2 Pinoy pride ng isang ginto, dalawang pilak at tatlong tansong medalya.

“He showed me that I can be and he coached me day in day out and in and out of the track. I owe where I am now to him,” wika ni Obiena sa isang panayam ng CNN Philippines.

Matapos angkinin ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre ay dumiretso si Obiena sa training camp sa Formia, Italy.

Nakasabay ng 22-an­yos na Pinoy pole vaulter sa nasabing kampo ni Petrov si 2016 Rio de Janeiro Olympics gold meda­list Thiago Braz ng Brazil.

Nakaapekto rin sa pagsasanay ni Obiena sa Italy ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic na nagpaantala sa mga sasalihan sana niyang torneo.

“He helps me get over these things and push through and I am happy that I did listen to him and that I did compete,” ani Obiena sa 82-anyos na si Petrov.

Huling sumabak sa torneo si Obiena sa Rome leg ng Diamond League sa Stadio Olimpiaco sa Italy kung saan siya nagtala ng season-best performance niyang 5.80 metro para makamit ang bronze medal.

Dahil sa isyu sa kanyang visa ay hindi na lumahok si Obiena sa Doha Diamond League noong Setyemnre 24.

VITALY PETROV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with