Asian Beach Games kanselado rin!

MANILA, Philippines — Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nagdesisyon ang Olympic Council of Asia (OCA) na ipagpaliban ang 6th Asian Beach Games na idaraos sana sa Sanya, China sa Nobyembre 28 hanggang Disyembre 6.

Ayaw sumugal ng OCA sa kasalukuyang sitwasyong dulot ng pandemya kaya’t nagpasya itong ilipat na lamang ang petsa ng torneo.

Sa Abril 2 hanggang 10 sa susunod na taon ang bagong schedule ng laban kung saan mananatili sa China ang hosting rights nito.

Inilabas ng OCA ang desisyon sa pakikipag-ugnayan nito sa Chinese Olympic Committee at local organizing committee na siyang nakakaalam ng estado ng Sanya sa kasalukuyan.

Show comments