NBA bubble gagayahin ng MPBL

Muling dudulog ang pamunuan ng MPBL sa Inter-Agency Task Force upang mabigyan ng pagkakataon ang liga na matapos ang naudlot na season nito.
MPBL

Balak tapusin ang 2019-2020 season sa Oktubre

MANILA, Philippines — Target ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na tapusin ang season nito sa Oktubre.

Muling dudulog ang pamunuan ng MPBL sa Inter-Agency Task Force upang mabigyan ng pagkakataon ang liga na matapos ang naudlot na season nito.

Nais ng MPBL na sundan ang format na ginawa ng NBA na nakatakdang magbalik-aksyon sa Hulyo 30 sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Nagtalaga ang NBA ng quarantine environment o tinatawag na bubble — ang Walt Disney World — kung saan lahat ng players, coaches at officials ay papasok sa naturang pasilidad.

Hindi maaaring lumabas ang sinuman sa loob ng bubble hanggang matapos ang season upang matiyak na walang mahahawaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Bago pumasok sa bubble, kailangang sumailalim sa swab testing ang lahat.

Ihihiwalay sa isolation area ang magpopositibo na daraan sa quarantine period. Sa oras na mag-nega­tibo na ito, maaari na itong pumasok sa bubble.

Sa panig ng MPBL, plano nitong gamiting bubble ang Novotel Hotel na malapit sa Smart-Araneta Coliseum na magsisilbi namang playing venue.

Ito ang magiging taha­nan ng mga players, c­oaches at officials habang tinatapos ang season.

Subalit kailangan pa ng MPBL na hilingin ito sa IATF na siyang nagpapatupad ng mga patakaran sa u­sapin sa COVID-19.

Show comments