Garnett interesado sa Timberwolves

Kevin Garnett
STAR/File

MANILA, Philippines — Nais magbalik ni Kevin Garnett sa NBA kasama ang Minnesota Timberwolves.

Ngunit hindi bilang manlalaro kundi bilang team owner ng Timberwolves.

Bukas si Minnesota Timberwolves team owner Glen Taylor sa lahat ng nagnanais bumili sa prangkisa ng kanyang koponan.

Nagkakahalaga ito ng tumatanginting na $1.2 billion o halos P60 bilyong piso.

At isa si Garnett sa mga interesadong bumili sa kanyang dating team.

Kasama si Garnett sa isang grupo na nagpa­planong i-takeover ang ow­nership ng Timberwolves.

Hahawakan ng investment firm na The Raine Group ang proseso ng pagbebenta sa NBA franchise ng Timberwolves.

Si Taylor ang nagmamay-ari ng Timberwolves mula noong 1994.

May isang kahilingan lang si Taylor sa magiging bagong may-ari ng Timberwolves.

‘Yun ang manatili ang prangkisa sa siyudad ng Minnesota.

Hindi naman problema ito para kay Garnett.

Show comments