MANILA, Philippines — Tuluyan nang kinansela ng management ang 10th season ng Asean Basketball League (ABL) dahil sa patuloy na paglala ng coranavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sinabi ng mga organizers na malabo nang matapos ang season kaya’t nagpasya ang pamunuan na huwag na itong ituloy para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
“The ASEAN Basketball League (ABL) board has met and announces today that the ABL Season 2019-2020 will be deemed concluded as there is no safe way to complete the remaining fixtures,” ayon sa statement ng ABL.
Pangunahing inisip ng liga ang kapakanan ng mga players, coaches at officials bago maglabas ng pinal na desisyon.
Huling nasilayan sa aksyon ang ABL noong Pebrero 23 bago ito kanselahin dahil sa pagputok ng COVID-19 pandemic.
Malabo na itong matuloy dahil may kani-kanyang ipinatutupad na travel restrictions ang mga bansang kabilang sa ABL.