Slaughter susubok sa NBA G League?
MANILA, Philippines — Posibleng magkita sina Kai Sotto at Greg Slaughter sa NBA G League.
Usap-usapan na target ni Slaughter na mag-tryout sa isang koponan sa G League.
Naglabasan ang kabi-kabilang ulat matapos itong isiwalat ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone sa Coaches Unfiltered na iprinisinta ng Smart Sports.
Hindi na ni-renew ang kontrata ni Slaughter noong Pebrero kaya’t malaya itong gawin anuman ang kanyang gusto.
Wala pang ideya si Cone kung kailan ito magbabalik sa Pilipinas.
Kasalukuyan nasa Cleveland, Ohio kung saan madalas itong nakikitang sumasalang sa workouts.
“We don’t know if he’s going to come back. We do know, just like everybody else, that he’s working out,” ani Cone.
Nabalitaan ni Cone na target ni Slaughter na subukan ang kapalaran nito sa G League.
Ngunit hindi nito makumpirma kung totoo ang kanyang mga naririnig.
“The last we heard, he’s gonna make a tryout with the NBA G League, and I don’t know if that’s true or not. We heard that from a third party that he’s gonna tryout for the G-League,” ani Cone.
Aminado si Cone na malaking kawalan si Slaughter sa Ginebra.
Kaya naman hirap itong punan ang nabakanteng puwesto ng dating Ateneo de Manila University standout.
“It’s gonna be tough because he can be a force at times, and it’s just really tough having something ripped away from you like that without having being given anything in return,” ani Cone.
Masuwerte si Cone dahil malalim ang lineup ng Gin Kings.
Maraming mga manlalarong puwedeng pumalit sa kanyang posisyon.
“We’ll find ways to replace him. Maybe a little more Japeth, maybe a little bit more Stanley, maybe Prince Caperal steps up. We have other options,” dagdag ni Cone.
Wala pang pormal na inihahayag si Slaughter kung balak nitong subukan ang G League.
Una nang kinumpirma ang pagsalang ni Sotto sa isang select team sa G League kasama si Filipino-American Jalen Green.
- Latest