ATLANTA -- Sapul nang magsimula ang quarantine ay palaging nalalagay sa ‘half yes, half no’ situation ang pagreretiro ni NBA star Vince Carter.
Ngunit ginawa na itong opisyal ng tinaguriang ‘Half Man Half Amazing’ sa kanyang podcast.
“I’m officially done playing basketball professionally. I’ll play at home,” pahayag ni Carter sa pagtatapos ng kanyang record na 22-year NBA career
Sa makulay niyang career simula noong 1990s hanggang sa 2020 ay naglaro si Carter sa walong koponan.
Binaha siya ng mga tributes mula sa mga kapwa niya NBA players.
“Congrats to one of my all-time favorite teammates @mrvincecarter15 onban incredible career. See you in @HoopHall!,” sabi ni Jason Kidd sa dati niyang teammate sa New Jersey Nets.
“Half Man, Full Icon,” pahayag ng Toronto Raptors kung saan sumikat ang 43-anyos na si Carter, naglaro rin para sa Nets, Orlando Magic, Phoenix Suns, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies, Sacramento Kings at Atlanta Hawks.
Ang naging pinakatampok sa career ni Carter ay ang kanyang dumadagundong na dunk kay 7’2” Frederic Weis bilang miyembro ng 2000 Team USA.