Ravena sa japan Aarangkada
MANILA, Philippines — Wala munang Thirdy Ravena na masisilayan sa PBA Annual Rookie Draft sa ngayon dahil nagdesisyon ang dating Ateneo de Manila University standout na sa Japan na muna maglaro.
Kinumpirma ni Ravena na pumirma ito ng isang taong kontrata para maglaro sa three-time league champion San-en Neophoenix na naglalaro sa B.League - ang pinakamalaking basketball league sa Japan.
“The contract is just for one-year. It’s the No. 1 pro league in Japan. It’s a great opportunity especially you are not only representing yourself but also our country when you carry the flag there,” wika ni Ravena na three-time UAAP Finals MVP.
Magsisimulang maglaro ang 6-foot-2 Pinoy cager sa Oktubre sa oras na lumarga ang 2020-2021 season ng liga.
“I am really trying to do my best to help that club and also try to improve as much as I can as a player,” wika ni Ravena.
Hawak ang San-en ni veteran coach Branislav Vicentic.
Umaasa ang San-en na malaki ang maitutulong ni Ravena para mapaangat ang kanilang koponan.
Noong 2019-2020 season, tumapos sa huling puwesto ang San-en tangan ang maasim na 5-36 rekord.
Huling nagkampeon ang San-en noong 2015 pa.
Mainit naman ang pagtanggap ng B.League kay Ravena.
“We are very pleased to welcome Ravena to B. League for the first year of Asian Player Quotas. We will continue to collaborate and cooperate with Asian partners to develop basketball in Asia,” nakasaad sa statement ng liga.
Layunin ng B.League na magkaroon ng mga Asian players sa liga upang mas mapataas pa ang kalidad ng kumpetisyon.
“Asian Player Quotas is a new competition system implemented for the 2020-21 season to enhance the capabilities of their local players by matching them with other Asian players in daily games,” ayon pa sa statement.
- Latest