MANILA, Philippines — Humulagpos kay Gilas Pilipinas veteran Gabe Norwood ang karangalan para sa Dunk of the Decade ng FIBA, ang international basketball federation.
Nabigo sa botohan ang one-handed poster slam ni Norwood laban kay Luis Scola ng Argentina noong 2014 FIBA World Cup sa Dunk of the Decade bracket.
Natalo ang nasabing dunk entry ni Norwood kay Arsalan Kazemi ng Iran na humataw ng isang matinding slam dunk noong 2016 Olympic Qualifying Tournament.
Nanalo si Kazemi kay Norwood ng 20 percent, 40-60, sa round three.
Kabilang sa 31 na nasa listahan para sa FIBA Dunk of the Decade ay sina NBA stars Giannis Antetokounmpo ng Greece, Luca Doncic ng Slovenia, Rudy Gobert ng France at Americans Jaylen Brown at James Harden.