Paalam coach Nic

Nicanor ‘Nic’ Jorge
STAR/ File

Best center founder pumanaw

MANILA, Philippines — Ipinagluksa kahapon ng Philippine basketball ang pagpanaw ni dating national head coach Nicanor ‘Nic’ Jorge.

Namatay sa edad na 78-anyos ang nagtatag ng Basketball Efficiency and Scientific Training (BEST) Center noong 1978 at na-ging mentor ng mga PBA teams na Galleon Shippers at Manhattan Shirtmakers.

Sa Galleon team noong 1980 ay nahawakan ni Jorge sina Rudolf Kutch, Larry Mumar, Angelito ‘Amang’ Ladores, Renato Lobo at Anthony Dasalla.

Noong 1983 ay ginaba­yan naman ni Jorge sa Manhattan squad sina Rudy Distrito, Noli Banate, Romulo Mamaril at league pioneer Yoyong Martirez.

Nang mawala sa PBA ay itinayo ni Jorge ang BEST Center, ang pionee­ring sports clinic na nag­lunsad sa mga careers nina PBA stars Benjie Paras, Jerry Codiñera, Jun Limpot, Chris Tiu, Rey Evangelista, Patrick Fran, Boybits Victoria, Paolo Mendoza, Larry Fonacier, Joseph Yeo at iba pa.

Isa rin sa mga naging produkto ni Jorge ay si NLEX star guard Kiefer Ravena.

“He saw me grow up playing the sport. Camps like The Best Center taught me the discipline, the res-pect and the sacrifices needed to be done in order to be great,” tweet ni Ra­vena. “Thank you, Coach Nic for opening a lot of doors for players like me.”

Naging coach si Jorge ng Philippine men’s basketball team nang pamahalaan ng bansa ang FIBA World Cup noong 1978.

Nagsilbi rin siyang coach ng UP Maroons sa edad na 21-anyos.

Nasaksihan ni Jorge ang pagbuo sa Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung saan siya hinirang na isa sa mga board members.

Show comments