Ilang NBA players nag-iisip pa kung lalaro sa restart season
INDIANAPOLIS -- Sinabi ni Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon na ilang NBA players ang nag-iisip na huwag maglaro sa 22-team restart season sa Disney World complex sa Orlando, Florida sa susunod na buwan.
Nagsalita sa podcast si New Orleans Pelicans guard J.J. Redick, tinukoy ng players union executive na si Brogdon ang ilang dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang ilang players na sumabak sa torneo.
Ilan dito ay ang coronavirus safety issues at planong isolation ng ilang linggo sa Florida “bubble” environment.
Nagkaroon ng NBA shutdown noong Marso 11 dahil sa coronavirus disease (COVID-19) outbreak.
Kasalukuyan nang pinaplantsa ng NBA at ng National Basketball Players Association ang ilang detalye para sa restart season na magsisimula sa Hulyo 30.
Ayon kay Brogdon, ilang players ang nag-aalala tungkol sa pagsailalim nila sa quarantine ng ilang linggo.
“The attention on you and your platform actually grows the farther you stay in Orlando,” ani Brogdon. “That’s a perspective I want guys to think about and understand before they make a decision.”
- Latest