^

PSN Palaro

Mga natutunan ko ngayong panahon ng pandemiko

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Tila huminto ang mundo noong maipatupad ang ECQ sa bansa tatlong buwan na ang nakalilipas. Dumating na kasi ang pinaka-mahirap na kalaban, ang kalabang hindi nakikita.

Noong una’y inakala kong pagkatapos ng ilang linggo makakabalik din muli sa dati. Nagdaan na ang ilang araw at ilang linggo na ang nakalipas, tuloy pa rin ang ECQ sa bansa. Pagkaraan ng isang buwan saka ko pa lang natanggap na ito na nga ang kahahantungan natin. Ang paglaganap ng sakit dulot ng COVID-19 ay hindi pa rin humuhupa bagkos ay parami pa nang parami.

Sa gitna ng pandemikong ito natutunan kong mas maging pasensiyosa. Naramdaman kong wala namang pagmamadali sa mga bagay-bagay dahil higit na nakapokus ang lahat sa sariling kaligtasan.

Ang isports ay isa sa pinaka-naapektuhan ng pan­demyang ito. Lahat ng mga laro ay nahinto. Kung listahan naman ng mga aktibidad na pahihintulutan ng bumalik sa bansa, ang isports ay nasa hulihan pa ng listahan. Sa panahong ito pagsubok para sa aming mga atleta ang disiplina. Disiplina na magpatuloy sa workout kahit na hindi sanay nang nag-eensayo mag-isa at walang coach na personal nakakasama. Gayunpaman, natutunan kong labanan ang bulong ng mga negatibong boses na nagsasabing “Nakakatamad mag-workout”. Mental toughness pa rin ang umiiral.

Natutunan ko ring ma-reconnect sa aking pamilya dahil sa matagal na panahong busy ako parati sa pag-lalaro ng volleyball, ito na ang panahong mas marami akong oras sa kanila. Ngayon, nahahagkan ko na ng matagal ang aking ina, nakukurot ko siya sa pisngi at mas natititigan ko siya ng matagal habang winawari ang kanyang katandaan. Sa paraang ito mas lalo ko siyang minamahal. Tumindi rin ang bonding namin ng aking kapatid at mas marami na kaming nagagawang magkasama.

Natutunan kong magpahalaga ng mga tao sa paligid lalo na iyong mga nahihirapan sa sitwasyon ng bansa. Nakiisa ako sa mga grupo na may kusang loob maglikom ng pondo upang makatulong sa maraming pamilyang nangangailangan ng suporta. Mga empleyadong nawalan ng trabaho at suweldo gayun din ang mga frontliner na nangangailangan ng suporta para sa kaligtasan nila ang sinigurado kong mababahagian ng tulong na kaya ko.

Natutunan kong mabuhay ng kalmado, walang pinagmamadalian. Ang lahat ay simple lang. I’m ta­king one day at a time while protecting my inner peace. Sana kayo rin.

ECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with