Jordan, iba pang NBA players at coaches nakisimpatiya sa mga nagpo-protesta
CHARLOTTE -- Maski si NBA great Michael Jordan ay nagpakita rin ng kanyang damdamin ukol sa pagkamatay ni George Floyd.
Kagaya ng iba pang NBA players, coaches at team executives, ipinaramdam din ni Jordan, ang Hornets team owner at Chicago Bulls legend, ang kanyang kalungkutan at galit sa nangyari.
“I am deeply saddened, truly pained and plain angry,” wika ni Jordan sa isang statement kahapon. “I stand with those who are calling out the ingrained racism and violence toward people of color in our country. We have had enough.”
Dinaganan ni Derek Chauvin, isang white police officer, ng tuhod ang leeg ni Floyd, isang black man, sa loob ng walong minuto na siya nitong ikinamatay noong nakaraang linggo sa Minneapolis.
Ito ang nagpasiklab sa kabi-kabilang mga protesta sa iba’t ibang siyudad sa United States.
Kinatigan nina black coaches Doc Rivers ng Los Angeles Lakers at Monty Williams ng Phoenix Suns, ang sentimiyento ni Jordan.
Ibinahagi naman ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James sa social media ang mga videos ng peaceful protests sa Denver at Washington, D.C.
Sa Cleveland, nakita sa video ng TMZ Sports ang ginawang pambubugbog ni dating Cleveland Cavaliers guard JR Smith sa isang white man na umano’y bumasag sa bintana ng kanyang truck sa gitna ng protesta sa Los Angeles.
Sinipa ni Smith ang lalaking nakahiga at pinagsusuntok nang ito ay makatayo bago tuluyang makatakbo papalayo.
Ayon sa 15-year veteran, ipinarada niya ang kanyang truck sa isang residential area at hindi malapit sa mga tindahan na ninakawan.
“I chased him down and whupped his ass,” ani Smith. ”
- Latest