Ravena, Valdez kabugan sa slam dunk
MANILA, Philippines — Pinasaya nina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez at NLEX Road Warriors guard Kiefer Ravena ang kanilang mga fans matapos magpost ng “slam dunk” sa kani-kanilang social media account.
Unang sumalang si Ravena na nagpamalas alley-oop one-handed dunk mula sa assist ni Valdez.
Hindi isang simpleng assist ang ginawa ni Valdez dahil finger toss na animo’y nagseset sa isang volleyball game ang ibinigay nito kay Ravena.
“We tried our things. Advance monsary post. I love you Alyssa Valdez,” ayon sa post ni Ravena.
Umani ng ilang reaksiyon ang “slam dunk” ni Ravena.
Kabilang sa mga nagkomento si Beau Belga ng Rain or Shine.
“Ang kasunod niyan Yelo, massage gun tapos norma tech,” pabirong komento ni Belga.
Hindi naman nagpakabog si Valdez.
Isang “slam dunk” din ang inilatag ni Valdez mula sa assist ni Ravena.
“EZ (easy),” ani Valdez sa hiwalay na Instagram post.
Kaliwa’t kanan din ang komento ng mga volleyball players, volleyball fans at ilang basketball players kung saan isang malaking “approved” ang natanggap nito.
Napa-wow pa ang dating Ateneo de Manila University playmaker na si Jem Ferrer gayundin sina Philippine Army standout Jovelyn Gonzaga at dating Ateneo libero Denden Lazaro.
- Latest