Dating Utah Jazz head coach pumanaw
SALT LAKE CITY -- Pumanaw na si longtime Utah Jazz head coach Jerry Sloan matapos ang apat na taong pakikipaglaban sa Parkinson’s disease at Lewy body dementia. Siya ay 78-anyos.
Noong 2016 ay ibinunyag ni Sloan, nagpasikat sa tambalan nina John Stockton at Karl Malone, na mayroon siyang Parkinson’s disease.
Iniluklok si Sloan sa Hall of Fame noong 2009 at 23 taon tumayong head coach ng Utah na iginiya niya sa 20 playoffs appearances sa kanyang 23 seasons.
Inihatid niya ang Jazz sa back-to-back trips sa NBA Finals noong 1996-97 at 1997-98.
Si Sloan ay may 1,221 NBA coaching wins sa ilalim nina Lenny Wilkens, Don Nelson at Gregg Popovich.
- Latest