Top cycling officials isinusulong ang paggamit ng bisikleta sa ‘new normal’
MANILA, Philippines — Kitang-kita ang kahalagahan ng bisikleta para sa mga manggagawa sa mga lugar na ipinatutupad ang moderate enhanced community quarantine.
Kaya naman nagsimula nang magkaisa ang mga pangunahing opisyales ng Philippine cycling para ipakilala ang tinatawag na ‘culture of cycling’ sa pagpasok ng “new normal” kapag natapos na ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“There is a need to develop a proof-of-concept (POC) design adopting the bike lanes that have already been launched,” wika ni Bert Lina ng Lina Group of Companies. “The group could come up with a proposal to fix the existing bike lanes.”
Nakasama ni Lina ng Air21 sa isang virtual organizational meeting via Zoom noong Martes sina Moe Chulani ng LBC, nag-oorganisa ng Ronda Pilipinas, at ‘sports godfather’ Jeremy Go ng Go for Gold.
Ayon kay Chulani, mayroon nang mga bike lanes na inilagay sa Antipolo City, Iloilo City, Quezon City, Marikina City, Pasig City na suportado ng Ronda Pilipinas.”
Sumama rin sa inisyatibo sina Le Tour de Filipinas President Donna Lina at race project manager Sunshine Joy Mendoza, Ric Rodriguez ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines Air21, ang chief of staff ni Lina na si Titus Reyes at sina national team coaches Ednalyn Hualda (Go For Gold) at Reinhard Gorantes (Philippine Navy-Standard Insurance).
- Latest