Top Rank naghahanda na sa pagbabalik-aksyon sa Hunyo

Johnriel Casimero.
ringtv.com

MANILA, Philippines — Pinaplantsa na ni Top Rank Promotions chief Bob Arum ang mga pa­ngunahing kailangan para sa pagbabalik-aksyon ng kanyang grupo sa susunod na buwan.

May mga bagay na kailangang sundin ang Top Rank base sa regulasyon ng Nevada Athletic Commission upang makapagsagawa ng laban sa Las Vegas, Nevada.

Kabilang sa makikina­bang sina International Bo-xing Federation (IBF) junior bantamweight champion Jerwin Ancajas at World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casimero.

Ayon kay Arum, pangu­nahing tinututukan ng kanyang grupo na matiyak ang kaligtasan ng mga boksingero gayundin ng mga tauhang gagalaw sa mismong laban.

Gaya ng napagkasunduan, idaraos ang laban sa isang closed-door venue.

Isa sa mga regulasyon ang mandatory testing sa lahat ng taong kasama sa produksiyon.

“We are working through the protocols with the Nevada Commission. We are only going to open without spectators when we can guarantee everybody’s health and safety. That requires testing,” ani Arum sa panayam ng World Boxing News.

Kabilang din ang qua­rantine period kaya’t kailangang nasa Amerika na ang isang boksingero ng mahigit tatlong linggo para sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Nakikitang problema ni Arum sakaling magtamo ng injury ang isang boksingero dahil puno ang mga ospital na dagsa ng mga coronavirus disease (COVD-19) patients.

“We have to think about if a fighter gets injured. Can you bring him to the hospital because hospitals are overloaded? It’s not as steep as it was a few weeks ago, but it’s still a problem,” wika pa ni Arum.

Kaya bumubuo na ng solidong plano ang Top Rank para matuloy ang bo­xing fights sa Hunyo.

Show comments