^

PSN Palaro

Volleyball super stars nagkaisa

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Dalawang buwan ng nasa ilalim ng Enhanced Community Quaratine ang bansa at ang tila pagkaka-comatose nito dahil sa paghinto ng normal na daloy ng buhay sa bawat mamamayang Filipino ay nagdulot ng maraming pamilyang nagugutom dahil sa paghinto ng maraming empleyadong apektado ang trabaho.

Sakaling ma-lift na ang ECQ dito sa Metro Manila at maging General Community Quarantine na ito, may mga negosyo at serbisyong hindi pa rin pinahihintulutang mag-resume. Isa ang sports mass gathering sa mga ito kung saan ang t­raining at games ay hindi pa rin maaaring bumalik.  Dahil dito, ang mga volleyball player ng Pilipinas kasabay ang iba pang team sports ay apektado kumpara sa mga individual sports na hindi kailangan ang physical contact sa laro.

Dati pa man ay marami ng volleyball stars ang nagpapa-auction ng kani-kanilang mga jersey upang makalikom ng pondo pantulong sa mga kababayang nangangailangan ng tulong pinansiyal. Ngayon, muling nag-kaisa ang volleyball super stars ng Philippine volleyball upang mag-raise ng funds para sa mga frontliners. Ang movement na ito na pinamumunuan nina Charo Soriano, Alyssa Valdez, Amy Ahomiro, Gret­chen Ho at ng inyong lingkod, ay tinatawag na Volleyball Community Gives Back kung saan ang mga pondong nalikom sa pagbabahagi ng mga mahahala­gang kagamitan at jerseys namin sa Raffles for Heroes ay para makabili ng PPEs at pagkain ng frontliners.

Ngunit kalaunan ay napagtanto naming mga atleta na kung kami ay  maayos pa ang kalagayan sa kabila ng unos at may ipon namang pera kahit papaano, nawari namin kung paano naman ang kalagayan ng mga walang ibang trabaho o source of income sa volleyball community tulad ng table officials, referees, statisticians, ball boys, line judge, moppers at lahat ng nag-aasikaso sa pag-set-up ng volleyball court upang kami ay makapaglaro. Kaya naman lumikom din ang VCGB ng pondo upang makapag-abot ng pagkain at ilang essential goods para sa kanila.

Sa ngayon ay umabot na ang pondo para sa frontliners ng P697,549.50 pesos at para naman sa mga table officials, refe­rees, moppers at iba pa, pumalo na ang nalikom na pondo para sa kanila ng P120,000 pesos ngayon.

Mabuhay ang volleyball community! Mabuhay ang mga atleta!

ENHANCED COMMUNITY QUARATINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with