Pacquiao family patok ang mga TikTok videos

MANILA, Philippines — Kahit ang pamilya Pacquiao ay marami na ring TikTok videos na daang libo na ang views.
Hitik sa views ang mga TikTok videos ng buong pamilya ng Pambansang Kamao na makikita sa Facebook page ng kanyang anak na si Mary.
Mapapanuod sa mga TikTok videos ang mag-asawang Manny at Jinkee na nakikisali sa kanilang limang anak sa pagsasayaw.
May lumabas na ring compilation ng mga TikTok videos ng Pacquiao family na halos isang milyon na ang views.
Bukod sa TikTok, may mga video rin ang pamilya ni Manny na nagtuturo ng mga bagay- bagay sa kanilang mga anak tulad ng pagkain ng nilagang saging at ginamos at paglalaba na hindi karaniwang nararanasan ng kanilang mga anak.
Mahigit kalahating milyon na ang followers ni Mary sa Facebook.
Si Jinkee ay may youtube channel na nasa 450K followers habang ang kanyang Instagram ay may 1.7 milyong followers, malayo sa 5.7M Followers ni Manny na may 12 milyong followers din sa facebook.
- Latest