FLORIDA -- Inihayag kahapon ng Ultimate Fighting Championship (UFC) ang kanilang pagbabalik sa eksena sa pamamagitan ng tatlong fight cards dito sa VyStar Veterans Memorial Arena sa Jacksonville.
Ito ay matapos ang ilang beses na pagkansela sa kanilang mga events dahil sa coronavirus pandemic.
“I can’t wait to deliver some great fights for the fans,” wika ni UFC President Dana White sa isang official statement
Ang unang event sa Mayo 9 ay ang naipagpalibang UFC 249 card na orihinal na itinakda noong Abril 18 sa Brooklyn, New York.
Ang main event ay ang interim lightweight title fight sa pagitan nina Tony Ferguson at Justin Gaethje bukod pa ang matchup nina current holder Henry Cejudo at dating champion Dominick Cruz para sa bantamweight belt.
Ang UFC 249 ay gagawin sa Mayo 13 at May 16, ngunit wala pang detalye kung sino ang mga lalaban.
Ayon sa UFC, gagawin ang tatlong fight cards sa closed-door kung saan tanging mga essential personnel lamang ang papasok sa venue.
Huling nagdaos ang mixed martial arts organization ng fight card noong Marso 14 event sa Brazil.