MANILA, Philippines — Nakipag-draw si Olympiad veteran International Master Paulo Bersamina sa huli niyang tatlong laro para pamahalaan ang fifth leg ng Philippine Bullet Chess Championship na idinaos via online kamakalawa.
Pumayag ang 22-anyos na si Bersamina na makipaghati ng puntos kina first leg champion Grand Master Banjo Barcenilla, FIDE Master Alekhine Nouri at fourth leg winner IM Daniel Quizon para iposte ang 96 points.
Pumangalawa ang 15-anyos na si Quizon na may 83 points kasunod si third leg titlist Joel Pimentel, tumalo kay Jeremy Marticio sa huli niyang laro para ungusan si Barcenilla sa third place.
Tumapos siya na may 81 points.
Pumang-apat naman ang United States-based na si Barcenilla na may 80 points.