^

PSN Palaro

Sagot sa mga boxing promoters Olympics muna--Marcial

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sagot sa mga boxing promoters Olympics muna--Marcial

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial na wala itong pinipirmahang kontrata sa ngayon dahil nakasentro ang kanyang atensiyon sa tangkang masungkit ang gintong medalya sa Olympic Games sa susunod na taon.

Ilang boxing promotions na ang nagpaparamdam kay Marcial para pasukin ang professional boxing.

Ngunit malinaw ang direksiyon ng isip ni Marcial sa kasalukuyan.

Nais nitong bigyan ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics.

“Yung focus ko talaga nasa Olympics. ‘Yun ang talagang pinaghahandaan ko dahil gusto ko tala­gang manalo ng medal sa Olympics. So, sa ngayon wala akong pinipirmahang kontrata (para mag-pro),” ani Marcial.

Mismong si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas ang iritableng nagpahayag na tigilan muna ng mga boxing promoters si Marcial upang makaiwas sa anumang distraksiyon sa kanyang preparasyon.

Alam ni Marcial ang takbo sa mundo sa boksing kaya’t wala pa sa plano nito ang professional boxing.

“Hindi ganun kadali ‘yun kailangang pag-aralan muna bago pumasok sa professional boxing at pu­mirma ng kontrata. Mas tutok ako ngayon sa preparation ko para sa Olympics,” dagdag ni Marcial.

Abala si Marcial sa self training sa kanilang tahanan sa Cavite dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Para manatili sa kundis-yon, ilang workout ang ginagawa nito tulad ng shadow boxing at ilang exercises.

Ginagawa ring libangan ni Marcial ang pagtatanim ng gulay sa kanilang bakuran gayundin ng pagpapatuyo ng isda sa kanilang bubungan.

Si Marcial ang unang Pinoy boxer na nagkwalipika para sa Tokyo Olympics matapos pagharian ang middleweight division sa Asian/Oceania Olympic Qualifying Tournament na ginanap noong Marso sa Amman, Jordan.

Kasama ni Marcial si Pinay fighter Irish Magno na nakahirit naman ng tiket sa women’s flyweight class.

Bukod sa dalawang boxers, kasama rin sa opis­yal na listahan ng mga qualifiers sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics at SEA Games pole vault record holder Ernest John Obiena ng athletics.

EUMIR FELIX MARCIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with