^

PSN Palaro

UAAP Season 82 kanselado na! ILANG atleta nalungkot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UAAP Season 82 kanselado na! ILANG atleta nalungkot
Nagdesisyon ang UAAP ManCom na tuluyan nang ihinto ang liga matapos ihayag ng gobyerno na extended hanggang sa Abril 30 ang Enhanced Community Quarantine dahil hindi bumababa ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus.
UAAP

MANILA, Philippines  — Kaliwa’t kanan ang reaksiyon ng mga manla­laro matapos kanselahin ng UAAP Management Committee ang buong UAAP Season 82 dahil pa rin sa patuloy na pagkalat ng coronavirus disease (Covid-19).

Nagdesisyon ang UAAP ManCom na tuluyan nang ihinto ang liga matapos ihayag ng gobyerno na extended hanggang sa Abril 30 ang Enhanced Community Quarantine dahil hindi bumababa ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus.

“With the Enhanced Community Quarantine (ECQ) having been extended, the conditions for the resumption of UAAP Season 82 can no longer be met. As such it is now deemed cancelled,” ayon sa UAAP statement na pirmado nina Season 82 President Emmanuel Fernandez at Executive Director Atty. Rebo Saguisag.

Dahil dito, kanya-kanyang komento ang iba’t ibang players.

“Champion pa rin puso ko NU. Sayonara UAAP season 82,” ayon sa tweet ni National University middle blocker Risa Sato.

Bago mahinto ang liga, hawak ng Lady Bulldogs ang liderato sa women’s volleyball tournament tangan ang malinis na 2-0 rekord.

Kabuntot nito ang De La Salle University na may 1-0 marka habang magkakasalo ang University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University, Far Eastern University at University of the Philippines bitbit ang magkakatulad na 1-1 baraha. May 0-1 naman ang Adamson at 0-2 ang University of the East.

“See you next season,” ani Tigresses ace wing spiker Eya Laure.

Dismayado naman ang ate nitong si EJ Laure.

“Haaaayss sakit sa heart,” ani EJ na sinagot naman ni Eya ng hashtag “OneMoreYearEj.”

Nagpasalamat naman si Ateneo opposite hitter Kat Tolentino na nasa final pla­ying eligibility na sa kampo ng Lady Eagles.

“Thanks for the memories. Stay safe everyone,” ani Tolentino.

Sa oras na matapos ang krisis, magpupulong ang pamunuan ng UAAP upang solusyunan ang ilang puntos hinggil sa kanselasyon ng Season 82 gaya ng eligibility at pagdedeklara ng mga kampeon sa iba’t ibang sports.

“All other issues related thereto will be resolved at the proper time as we continue to focus our time, energy, and resources in battling this crisis,” ayon pa sa statement.

ECQ

EJ LAURE

MANCOM

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with