Smart, 3 pang NBA players magdo-donate ng dugo
Para masugpo ang virus
BOSTON -- Sinabi kahapon ni Celtics guard Marcus Smart, nauna nang inihayag na wala na siyang coronavirus disease (COVID-19), na plano niyang mag-donate ng dugo.
Ito ay para magamit ang kanyang dugo sa pagsusuri sa paghahanap ng gamot laban sa COVID-19.
Ayon kay Michael Joyner, isang anesthesiologist sa Mayo Clinic, na apat pang NBA players na nakarekober mula sa infection ang balak mag-donate ng dugo sa National COVID-19 Convalescent Plasma Project para sa isang experimental treatment na makakatulong sa mga high-risk patients na makaligtas sa nasabing virus.
Kinumpirma ni Smart na siya ang isa sa nasabing apat na players na planong mag-donate ng kanilang dugo.
Ang mga NBA players ay maaaring maging mahalagang plasma donors.
“These are big men with blood volumes, and as a result they have a lot of plasma volume,” wika ni Joyner.
“Frequently people who are physically trained also have an increase in their plasma volume from what you would expect from them just being regular-sized guys,” dagdag pa nito.
- Latest