NBA players abala sa ilang bagay sa gitna ng banta ng COVID-19
NEW YORK -- Sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) ay nanatiling aktibo ang ilang NBA players sa kanilang mga ginagawa.
Naupo si Denver Nuggets’ guard Jamal Murray sa kanyang piano at tumugtog ng mga theme songs para sa kanyang mga fans habang nagsyut naman si Trae Young ng Atlanta Hawks ng kanyang mga binilog na medyas.
Nasa Slovenia naman si Miami Heat guard Goran Dragic at hinikayat ang kanyang mga kababayan na manatili sa kanilang tahanan dahil sa banta ng COVID-19.
Halos 20 mga dati at kasalukuyang players ang nakipagtambal sa NBA at WNBA para sa public-service announcement sa pagharap sa COVID-19 pandemic
“We’re able to reach a number probably in the hundreds of millions, but as far as kids go, tens of millions of kids just by pressing send on an NBA PSA,” sabi ni Cleveland Cavaliers forward Kevin Love.
Kamakalawa ay dalawang Los Angeles Lakers players ang nagpositibo sa COVID-19 habang may tatlo namang players ang kinumpirma ng Philadelphia 76ers.
“Both players are currently asymptomatic, in quarantine and under the care of the team’s physician,” ani Lakers spokesperson Alison Bogli.
Nagpositibo rin sa COVID-19 si Boston Celtics guard Marcus Smart.
- Latest