^

PSN Palaro

Salcedo inangkin ang korona sa Phoenix chessfest

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinakas ni Filipino IM Richelieu Salcedo III ang titulo sa First Leg ng Ri­sing Phoenix International Chess Championship 2020 na ginanap sa Phoenix, USA.

Pinagtibay ng tubong-Salay, Misamis Oriental na si Salcedo, miyembro ng Philippine Airforce chess team bilang isa sa mga pangunahing blitz chess player ng bansa.

Bukod kay Salcedo, pumapangalawa naman si untitled Kevin Arquero ng Philippine Army chess team  habang ikatlo naman ang American Fide Master (FM) Steven Breckenridge.

Nagpasiklab din sa nasabing torneo si whiz kid Juncin Estrella ng Silang, Cavite ang korona sa kiddies category habang pinangunahan din ni Wo­man Grandmaster Janelle Mae Frayna ng Legaspi City ang ladies division.

Tatlong minuto ang i­binigay na time limit sa blitz chess. Ang grand finals ay nakatakdang ganapin sa Hunyo 6, 2020 kung saan tatanggap ang kampeon ng kabuuang P15,000 habang ang second at third placers ay magbubulsa ng tig P7,500 at P3,100 ayon sa pagkakasunod.

CHESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with