44th SEA Age Group swim meet ipinagpaliban
MANILA, Philippines — Ipinagpaliban din ang pagdaraos ng 44th South East Asia Age Group Swimming competition sa Oktubre sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Amatuer Swimming Union of Malaysia (ASUM) na napagpasyahan nila na ganapin na lamang ang nasabing kumpetisyon sa Oktubre mula sa orihinal na eskedyul sa Hunyo 19-21.
“ASUM regrets to inform that the 44th SEA Age Group swimming championships is postponed to a later date in October 2020,” sabi ni ASUM secretary-general Mae Chen sa kanyang liham sa Philippine Swimming Inc. (PSI).
Ipinahayag ni Chen na dahil sa pagdeklara ng World Health Organization (WHO) sa Covid-19 bilang pandemic, naka-apekto ito sa preparasyon na isinasa gawa ng mga miyembro ng South East Asia region.
“This decision is made after numerous requests from Federations who are unable to host any swim meets for the selection due to the fast spreading of COVID-19 virus,” dagdag ni Chen.
Para naman kay PSI president Lailani Velasco na ang pag-lipat sa naturang kumpetisyon sa panibagong eskedyul ay makapagbibigay sa kanila ng sapat na preparasyon para sa magandang kampanya ng mga Filipino swimmers.
Ayon kay Velasco, dahil sa problema sa COVID-19 hindi pa nakapag-daraos ang PSI ng qualifying kumpetisyon para mabuo ang Philippine national junior’s team.
“This development will give PSI enough time to organize not just PNAG, but other local qualifying meets for this year’s SEA Age Group competition, giving our local swimmers more chance of qualifying to the junior national team this year, ayon kay Velasco.
- Latest