^

PSN Palaro

Alas binigyan ng drills ang mga Phoenix player habang nakatengga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil wala pang katiyakan kung kailan ibabalik ang mga aksyon ng 2020 PBA Philippine Cup dahil sa coronavirus disease (COVID-19) ay binigyan ni head coach Louie Alas ng drills ang kanyang mga Phoenix players.

“I told them na mag-work out to stay in shape. I gave them specific drills to do,” wika kahapon ni Alas sa kanyang mga Fuel Masters.

Sinuspindi kamakailan ni PBA Commissioner Willie Marcial ang Philippine Cup habang kumakalat ang COVID-19.

Binigyan din ng PBA Commissioner’s Office ng suspensyon ang ensayo ng 12 koponan para makaiwas sa banta ng nasabing virus.

Sinabi ni Alas na habang wala pang laro ay maaaring makatulong ang mga PBA players na makapagbahagi ng mga tips sa kanilang mga fans para malabanan ang COVID-19.

“Since oriented naman kami sa COVID-19, I told them to help inform ‘yung ibang tao na nakakausap nila about COVID-19, how to avoid it like social distan-cing, taking lots of Vitamin C,” wika ng Phoenix mentor.

Ayon kay Marcial, posib­leng sa Mayo na ibalik ang mga laro sa Philippine Cup.

“Hindi naman kami kaagad maglalaro, bibigyan namin sila ng one or two more weeks to practice bago tayo magsimula (ng conference),” ani Marcial.

Kumpiyansa naman si 2019 PBA Rookie of the Year CJ Perez ng Columbian na malalampasan ng mga Pinoy ang COVID-19.

“Lilipas din ang krisis na ito. Kailangan lang na magkaisa tayo,” wika ni Perez. “Ito ay laban ng lahat ng Pilipino.” 

LOUIE ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with