^

PSN Palaro

Ancajas, Casimero boutsgagawing closed door?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ancajas, Casimero boutsgagawing closed door?
Jerwin Ancajas
Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang kanselasyon ng mga laro ka­bilang na ang 2020 3x3 President’s Cup at World Tour Manila Masters dahil sa coronavirus (COVID-19) outbreak.

Sa pagtindi ng coronovi­rus outbreak na kumalat na sa mahigit 100 bansa, pi­nag-paplanuhan na ng Top Rank Promotions na ga­wing closed door ang da­lawang laban ng Pinoy bo­xers sa Abril.

Unang sasalang si Jerwin Ancajas na makikipagtuos kay Mexican Jonathan Rodriguez sa kanyang International Boxing Federation (IBF) super flyweight title defense sa Abril 11 sa Cosmopolitan of Las Ve­gas sa Nevada.

Maghaharap naman sa unification bout sina World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casi­me­ro at World Boxing As­­sociation (WBA) at In­ternational Boxing Fe­de­ration (IBF) champion Naoya Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Ilang events na ang ki­nansela ng Nevada State Athletic Commission dahil sa coronavirus na idineklarang pandemic ng World Health Organization.

Ngunit wala pang pa­ha­yag ang Nevada State Athletic Commission sa Ancajas-Rodriguez at Casimero-Inoue bouts dahil sa susunod na buwan pa ito idaraos.

Kaya naman gumagawa na ng hakbang ang kampo ni Top Rank Pro­mo­tions chief Bob Arum para sa laban.

“We are planning to do these fights without spec­tators. (But so far) no­thing is going to change within the month. Right now, we decided not to put the tickets on sale on April 11 but we’re not cancelling the event right now. We are planning that event to be held in a facility without spectators,” ani Arum.

Nakasalalay ang lahat sa magiging desisyon ng Ne­vada State Athletic Commission kung pahihintulutan itong matuloy o hindi.

Nauna nang inihayag ni Arum na mahigit 1,000 tiket na ang nabenta sa Casimero-Inoue fight habang naka-hold muna ang pagbebenta ng tiket sa laban nina Ancajas at Rodriguez.

Kung idaraos sa isang closed door ang laban ay tinatayang malulugi ang promoters ng $200,000.

Babawi na lamang ang mga ito sa pay-per-view buys.

Sakaling hindi matuloy ang mga laban, makikipag-ugnayan ang Top Rank sa Nevada State Athletic Commission upang magkaroon ng bagong sche­dule ang mga ito.

JERWIN ANCAJAS

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with