MANILA, Philippines — Dumaan ang New Clark City Athletes’ Village sa intensibong paglilinis at sanitation.
Ito ay matapos makumpleto ng mga Pinoy na sakay ng MV Diamond Princess na galing sa Yokohama, Japan ang 14-day quarantine noong Miyerkules.
“We would like to assure everyone, especially those residing in the adjacent communities of New Clark City, that the Athletes’ Village has been thoroughly sanitized by the DOH,” pahayag ni BCDA President at CEO Vince Dizon.
Nakasuot ng mga full protective gears, nag-disinfect at nag-sanitize ang mga personnel mula sa Department of Health - Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) sa mga kuwartong ginamit ng mga Pinoy sa isolation ng 445 repatriates mula sa cruise ship.
Nauna nang inihayag ng DOH na ang mga kuwarto na ginamit ng mga crew ng barko na nagpositibo sa COVID-19 ay kaagad na dinisinfect maigi matapos silang dalhin sa ospital.
“New Clark City will remain on lockdown in accordance with the go-vernment’s directive to the public to refrain from visiting public places,” dagdag pa ni Dizon.