MANILA, Philippines — Alinsunod sa deklaras-yon na “lockdown” sa buong Metro Manila, sinuspinde muna ng Maharlika Pilipinas Basketball League ang pagpapatuloy sa Lakan Cup Division Finals dahil sa COVID-19.
Ang apektado sa indifinite suspension ay ang mga laro sa pagitan ng San Juan Knights at Makati Super Crunch sa deci-ding Game 3 ng Northern Division at ang Game 3 ng best-of three Finals ng Davao Occidental Tigers laban sa Basilan Steel sa Southern Division.
Ang San Juan Knights at Makati Super Crunch ay tabla, 1-1 sa kanilang serye habang umabot din sa parehong 1-1 win-loss kartada ang finals showdown ng Davao Tigers at Basilan Steel.
Hindi pa sigurado kung kailan ipagpapatuloy ang nasabing North at South Division Finals dahil mahigit 30 araw na inilagay ang Metro Manila sa community quarantine mula Marso 13 hanggang Abril 12.